LIHAM APLIKASYON
Blk 11 Lot 46 Estrada St, Villa San Jose
Brgy. Graceville, CSJDM, Bulacan
Ika-25 mg Hulyo 2019
BDO Unibank Inc.
Quezon City, Metro Manila
Mahal na Ginoo/Madam:
Pagbati!
Ako po si Ej Batonghinog na nagtapos ng Bachelor of Science in Accountancy (BSA) Major in Financial Management sa Polytechnic University of the Philippines taong 2024. Nais ko po sanang mag-aplay ng trabaho sa inyong kompanya sa kahit anumang posisyong nauukol sa aking kurso o posisyong bakante.
Ako ay nagtatatrabaho noon bilang cashier sa supermarket sa loob ng SM-San Jose. Ang karanasan ko pong ito at ang mga natutunan ko sa loob at labas ng dati kong kampus at sa mga multi-tasking na aktibad na nangangailangan ng time management, pasensiya, sipag, tiyaga ay makakasiguro na ako po ay magiging epektibo at mahusay na trabahante at handa rin po akong isagawa ang anumang responsibillidad na iaatang sa akin sa inyong kompanya.
Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para sa isang panayam, sa oras at petsang nanaisin niyo. Maraming salamat po sa inyong pagtugon.
Lubos na sumasainyo,
EJ M. BATONGHINOG
No comments:
Post a Comment